January 23, 2025

National ID pinamamadali ni Marcos

Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pamamahagi ng national identification cards (IDs) sa milyon-milyong Filipino.

Kahapon, tinalakay nina Marcos Jr. at NEDA Director-General Arsenio Balisacan kung papaano mapapablis ang pag-imprenta at distribusyon ng mahigit sa 50 milyong national ID cards.

“Sa ating pagpupulong kasama si NEDA Director-General Arsenio Balisacan, tinalakay kung paano mapapabilis ang pag-imprenta ng higit 50 milyon National ID cards upang magamit na ng ating mga kababayan simula sa unang bahagi ng taong 2023,” ayon sa Pangulo sa kanyang post sa Facebook ngayong Huwebes.

Nitong Mayo 2022, umabot sa 10.55 milyon na ID o 33.7 percent ng 33.8 million target ngayong 2022 ang nai-deliver ng PhilPost, ang official delivery partner ng Philippine Identification System (PhilSys).

Sinimulan ng Philippine Statistics Authority ang pagde-deliver ng ID cards noong Mayo 2021.