Kumusta ang buhay, mga Cabalen? Sana’y nasa mabuti po kayong kalagayan.
Talakayin natin ang panukalang pagkakaroon ng national identification (ID). Sabi ni NEDA Sec. Karl Kendrick Chua, 9 milyon ang maaaring magkaroon nito.
Ito rin kasi ang target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maipalista. May maiisyuhan na ng ID hanggang December.
Ang mayority na maiisyuhan nito ay ang mga low income household Kaya, 5 milyon sa 9 na milyon ang mabibigyan mula sa nasabing sektor.
Sa 2021, target naman ng PSA maisyuhan ang 45 milyong Filipino.Ang natitirang 42 milyon ay sa 2022 naman.
Para magkaroon ng national ID ang mga taumbayan, tinuran ni National statistician Claire Dennis Mapa na magtutungo sa mga kabahayan ang mga registration officers.
Ito ay gagawin sa mid-October sa 32 lalawigan na low risk sa COVID-19.Mga Cabalen, sang-ayon ba kayo rito? Makabubuti naman ito sa taumbayan.
Kasi nga, bawas kuskos-balungos sa mga transaction sa gobyerno. Bale magiging saklaw na lahat ito ng National ID. Ito’y sangayon sa Philippine Identification System (PhilSys) Act.
Kaya, masasabi nating isa ito sa prayoridad na maisulong ni President Duterte.
Kung may mga tutol rito, marami naman ang sumusuporta.Sa pamamagitan nito, malalaman kung sino ang gumagawa ng kalokohan.
Malalaman din ang gumagawa ng insurgency at terorismo sa bansa. Sa pamamagitan nito, mapadadali ang serbisyo.
Serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan. Nawa’y makabubuti sa lahat ang National ID.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!