MAGKAKAALAMAN na kung sino ang tunay na astig sa mga pamosong chess executives sa paglarga ng 2022 National Executive Chess Championship NCR leg na susulong sa Robinsons Magnolia, New Manila sa Quezon City ngayong Linggo ng tanghali.
Pagtutunggalian sa isang araw na over the board competition na inorganisa ng Philippine Executive Chess Association (PECA) at itinataguyod ng Robinsons Magnolia ang taginting na premyong salapi at tropeo para sa mga top winners ayon kay PECA President Dr. Fred Paez.
May mga espesyal na papremyo para sa top fimishers sa 1900 at 1800 and below ratings,top unrated,top female at top senior (60-anyos pataas).
Para sa registration ay maaring makipag-ugnayan kay Engr. Brent Sasot (PECA Asst. Treas) sa numero #09178713693.
Sa mga executive namang ‘di pa miyembro ng PECA ay kumontak lang kay Dr. Paez sa #09212728172.
Sinabi pa ni Paez na ang mga partisipante ng NCR leg ay eligible nang lumahok sa 2022 National Executive Chess Championship Grand Event sa darating na Disyembre.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA