Sinibak si Nate Bjorkgren bilang head coach ng Indiana Pacers. Kinuha siya ni Kevin Pritchard upang timunan ang team sa magandang kinabukasan.
Pero, iba ang naging resulta ng kanyang inaasahan. Nangapa ang Pacers sa depensa at nalaglag pa sa NBA playoffs.
Maganda naman ang kanilang simula. Pero, pumait habang patapos na ang elimination na mayroong 72 games.
“This was my decision,” saad ni Pritchard na president of basketball operations ng Pacers.
“This was a really tough decision, one that had a lot of thought behind it. I brought in my management team, something we didn’t do lightly.”
Inaasahan sa 45-anyos na si Bjorkgren na gumawa ng impact sa Indiana. Ngunit, hindi ito nagawa ng young coach. Prone din sa injuries at ilan sa Pacers ang nagkaoon ng injury. Na nakaapekto sa performance ng team.
Si Bjorkgren ay naging assistant coach sa Toronto Raptors sa loob ng 2 seasons.Nagtapos ang Indiana na pang-25 sa deensive scoring average (115.3 points).
Napagpag din sa kanila ang malaking kalamangan kapag fourth quarter na. Kung saan, 17 games ang naipatalo ng Pacers mula sa kalamangan.
Nagtapos ang Pacers na may record na 34-38 at nasilat pa ng Washington Wizards sa No.8 seed.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!