Mapagpalang araw po mga Cabalen.
Sa araw na ito, nais ko pong itutuon ang pitak ko sa pagpapasalamat sa ating Panginoong Diyos dahil sa di mabilang na kabutihan na kanyang ibinigay sa inyong lingkod ng limampu’t apat na taong buhay na tigib ng pag-asa sa bawat araw.
Malaking pasalamat sa lahat ng kanyang pagpapala sapagkat malusog at masaya po nating narating ang edad na ito sa kabila ng ligalig at di mabuting kalagayan ng mundo habang kinakaharap ang pandemic na Covid-19.
Nais ko rin pong iparating sa sa aking mga mahal sa buhay, pamily at kaibigan ang taos-pusong pasasalamat sa mga pag-agapay sa ating sa oras ng kasiyahan, kalungkutan at kung minsan ay kagipitan.
Malaki rin po ang ating pasasalamat sa Panginoon sa pagbibigay po sa atin ng lakas at tatag ng loob para itatag ang Agila ng Bayan may siyam na taon na po ang nakakaraan.
Dahil sa inyo, mga Cabalen, malayo na ang narating ng ating pahayagan, lalo na sa larangan ng pamamahayag— nais ng inyong lingkod na manatiling mapagpakumbaba at (marunong lumingon sa pinanggalingan) sa pangmalas ng inyong paningin.
Hiling ko sa Diyos mga Cabalen na manatili pa tayong buhay at malakas, pagkalooban ng malakas at malusog na pangangatawan— gayundin ang aking mga mahal sa buhay; tagumpay sa kabila ng pagsubok at makapaglingkod pa po sa inyo ng buong puso. Salamat sa 54 taong pagkalinga at pag-ibig ng ating Maykapal.
Sa ating buhay may kasawian at tagumpay. Subalit isa lamang po ang aking pinaniniwalaan. Ito ang pananalig sa Panginoon. Dahilan kung bakit nanatili po tayong matatag sa bawat hamon ng buhay.
Maraming Salamat po Panginoon.
000
Alam ba ninyo mga Cabalen na ang Hulyo12 ay petsa din nang iniluklok bilang Santo Papa si Felix IV noong 526 A.D at nakupkop ng krusada ang daungan ng siyudad ng Tripoli ng Syria noong 1109.
Kahalintulad din natin ng kaarawan ang ilang bantog na personalidad sa kasaysayan gaya nina Henry David Thoreau, isang American naturalist at pacifist (1817), Beah Richards, isang aktres, awtor at poet (1920), Michelle Rodriguez ng Fast & Furious, (1978), WWE superstar Brock Lesnar ( 1977), Phoebe Tonkin, (31) at Civil Rights leader Malala Yusafzai (23).
Hangad ng inyong lingkod na matapos na itong pandemya at makapanumbalik na tayo sa normal na pamumuhay.
Hiling ko na sana’y bumuti na ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino. Walang nagdarahop at masaya habang magkakasalo sa hapag-kainan.
Wala na sanang magkakasakit pa ng nakatatakot na sakit na Covid-19, wala na sanang mag-aaway dahil sa nagsara ang isang giant network, wala na sanang hindi nagkakaunawaan dahil sa politika, wala na sanang mamumulitika pa, wala na sanang trapik, wala na sanang baha.
Bagama’t imposibleng mangyari ang ilan sa aking hiniling, mapangyayari ‘yan tiyak sa tamang panahon at pagkakataon.
Muli mga Cabalen, maraming salamat sa inyong dalangin at pagnanais na maging matagumpay pa tayo sa larangan ng pamamahayag.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA