November 18, 2024

NASUNOG NA MANILA CENTRAL POST OFFICE BUBUHAYIN

Gumagawa na nang paunang hakbang ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) para buhayin ang nasunog na Manila Central Office (MCPO) building.

 “We welcomed the move of Secretary Christina Frasco of the Department of Tourism (DOT) to aid in the funding of the Detailed Architectural and Engineering Study (DAES) through the Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA)”, ayon kay Postmaster General Luis Carlos.

Tinitignan na ngayon ng Department of Tourism ang pag-develop sa iconic building bilang bahagi ng isang cultural circuit sa Maynila.

Nabatid na ang cultural properties na may exceptional cultural, artistic at historical significance sa bansa ay karapat-dapat na bigyan ng pondo ng pamahalaan para sa proteksiyon, konserbasyon at pagpapanumbalik nito.

Ang naturang gusali ay isang neoclassical architecture na idinesenyo ng mga Pinoy na sina Juan Arellano at Tomas Mapua.

Ang Inter Agency Task Force for Cultural Heritage (IATF-CH) ay binubuo ng mga cultural authorities kabilang ang DOT, PHLPost at Lungsod ng Maynila, na nagtulungan sa pagbuo ng Detailed Architectural and Engineering Study (DAES) na ngayon ay kasama ng TIEZA para sa procurement process.

 “As you can see, this is an integrated, multi-sectoral and collaborative process whereby different agencies come together to address complex challenges in order for us to immediately restore the historic edifice”, dagdag ni PMG Carlos.

Habang hinihintay ng PHLPost ang implementasyon ng DAES, isang conservation architect ang pinili para tukuyin ang mga gamit o materyales na naiwan sa sunog na mayroong historical value at mapadali ang tagging nito, cataloging at retrieval upang magsilbing sanggunian ng aktwal na restorasyon ng MCPO building.

Nagtatrabaho na rin ang PHLPost para patatagin ang gusali. Ito ay isang proseso upang pansamantalang suportahan ang istruktura upang maiwasan ang pag-collapse habang ito’y nire-repair.

 “After the fire, the rain waters are trapped in the third floor. PHLPost undertook declogging of the gutters and now rain waters are running off the building,” saad niya.

Nakatanggap ang PHLPost ng iba’t ibang proposals para gamitin ang gusali.

“For as long as the IATF-CH has no reservation on the use of the building, PHLPost is open for any collaborations on the building,” dagdag ni PMG Carlos. ARSENIO TAN