November 13, 2024

Nasaan ang Pangulo?

WALANG dapat ikabahala ang publiko dahil nasa maayos na kondisyon ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilarawan ni presidential spokesperson Harry Roque na ‘perpetual isolation’ umano ang ginagawa ng presidente para makaiwas sa banta ng COVID-19.

Aniya na anim na pulgada ang layo ng Pangulo sa tuwing nakikipag-meeting ito sa kanyang mga tao kaya’t walang nakakalapit dito kahit sino.

The President is in perpetual isolation because no one can come close to him. I think sinabi ko na rin sa inyo (I’ve told you), whenever we meet with him, there is a velvet rope that keeps him at least six feet away from everyone else so no one can really come close to the President,” wika ng tagapagsalita ng Malacañang.

“He does undergo regular PCR [polymerase chain reaction] tests. Nagrereklamo siya nga kasi paulit-ulit na yung pagsundot sa ilong niya (He complains about the discomfort of the swab tests). And I think it’s also a requirement of Davao City Mayor Sara whenever he goes back in Davao so he complies with the requirements of the local government,” dagdag pa nito.

Nilinaw naman ni Roque, ang perpetual isolation na kanyang sinabi ay para madiin ang maigting na pagbabantay ng Presidential Security Group (PSG) para mapangalagaan ang kalusugan ni Duterte.

“Much as he wanted, for instance, to shake the hands of those present during his fifth State of the Nation Address, the PSG discouraged PRRD from doing so as part of the precautionary measure of maintaining physical distance,” paliwanag ni Roque.

Matatandaan na una nang nagpositibo si Interior Secretary Eduardo Año sa COVID-19.

Noong Agosto 10 ay nakasalamuha ng Presidente ang mga miyembro ng Gabinete kasama si Año nang magkaroon sila ng pagpupulong.

Kinumpirma naman ni Roque at Health Secretary Francisco Duque III na sumailalim sila sa self-isolation matapos makaharap si Año.

Pinabulaan din ni Roque ang mga report na umalis sa bansa ang Pangulo para magpagamot dahil maayos aniya ang kalusugan nito.

“Nilinaw ko po sa isang statement kahapon na fake news po ang pag-alis ng Pilipinas ng ating Presidente. Nananatili po siya sa Davao, hindi po siya umaalis ng Pilipinas, and his health is fine,” paglilinaw ni Roque.