Sa kabila nang pag-arangkada ng vaccine COVID-19, heto, nalagay na naman tayo sa pangamba.
Tila nauulit na naman ang senaryo noong isang taon.
Muli na naman kasing sumipa ang bilang ng tinamaan ng virus. Kung kaya, muling naghigpit ang kinauukulan.
Kaugnay dito, pormal na ngang ipinatupad ang curfew hours mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.
Sa gayun ay maiwasan ang tumpukan ng mga tambay sa lansangan.
Na sa gayung siste kasi, mabilis ang hawaan. Tama naman ang otoridad. Kaligtasan natin ang inuuna.
Nasambit tuloy ng ilan, nasa second wave na ba tayo ng COVID-19?
Pati ilang opisyales natin e tinamaan na rin ng sakit.
Kabilang na rito si PNP Chief Debold Sinas at Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ang tanong, malalagay na naman ba tayo ulit sa lockdown? Yung iba ganun na nang ginawa.
Na para na naman tayong mga ibon na nakulong sa hawla?
Depende kung lalala ang sitwasyon, damay-damay na lahat. Pero, kung mangyayari uli, tiyak na mababaon na naman ang paahon na buhay ni Juan.
Ang kinakailangan lamang gawin ay tamang strategy ng ating gobyerno upang mapigilan ang muling tumataas na kaso.
Nasa second wave na nga ba tayo ng COVID-19? Huwag naman sana.
O baka naman dulot ito ng latak ng amihan season, na karaniwang ang mga tao ay nagkakasakit bago ang opsiyal napagsapit ng summer?
Sa ganang atin, wala naman dapat ipangamba kung may disiplina tayo at nag-iingat. Mismong World Health Organization na ang nagsabi na hindi second wave ang nangyayari.
Kundi spike lamang ang nangyayari kahit na tumataas na naman ang kaso ng virus.
Harinawang huwag nang mangyari uli ang kinatatakutan natin.
Kung sakaling maghigpit muli, pagbigyan natin at sumunod tayo.
Total, hindi naman hyperbole ang paghihigpit dahil kailangan ding kumayod ni Juan upang mabuhay.
More Stories
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS
Ang Disyembre ay Buwan ni Rizal
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo