
Kuha mula sa NBI
NADAKIP ang tatlong Abu Sayyaf Group ng National Bureau of InvestigationĀ Counter -Terrorism Division (NBI-CTD) sa isinagawang serye ng operasyon katulong ang PNP Special Action Force-Rapid Deployment Battalion at counterpart mula sa Armed Forces of the Philippines.
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric B. Distor ang mga nadakip na sina Ben Saudi o Erie, na naaresto sa Sultan Kudarat Street, Maharlika, Taguig City; Javier Sabtula o Jaber na isang ASGs guard sa Sampaloc, Maynila; at Osein Abduraya na kapatid ni Jaber at sangkot sa kidnapping case.
Nakatanggap ng report ang NBI-CTD hinggil sa presensiya ng tatlo sa Metro Manila kaya agad na inilatag ang surveillance operations at nang magpositibo ay ikinasa ang pagdakip sa tatlong terorista.
Sa record ng NBI, sangkot ang tatlo sa sangkot sa pagdukot ng anim na miyembro ng Christian religious sector sa Patikul, Sulu noong August 20, 2002.
Mayroon din silang kinakaharap na 6 na bilang ng kasong kidnapping and serious illegal detention with ransom sa Taguig kung City Regional Trial Court Branch 271.
More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
QC Todo na sa Kalikasan! Fashion Show, Tree Giveaway at Plastic Ban, Tampok sa Earth Day 2025
REBELDE NA NANUNOG NG SIMBAHAN SA ILIGAN, ARETADO SA BUKIDNON