January 19, 2025

NASA GILAS ‘PINAS POOL SI COCOLIFE SPORTS AMBASSADOR RAVENA PARA SA FIBA WC

MAGSISILBING muli para sa bayan si basketball MVP,pro/ national cager at COCOLIFE Ambassador Kiefer Ravena.

Si Kiefer na naging UAAP MVP,PBA star player at maraming beses nang  national cager ng Gilas Pilipinas ay kabilang sa inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas( SBP) na 21- man pool ng Gilas kasama ang kanyang kapatid na si Thirdy Ravena.

“It’s always a great honor for our Sports Ambassador Kiefer(Ravena) to represent our country in a very prestigious international basketball competitions.We are optimistic our winning tradition will motivate to the rest of our team Gilas Pilipinas.They all (national pool) deserve to be there for the country”,wika ni COCOLIFE SVP Joseph ‘Otep Ronquillo na isang taal na basketball enthusiast.

Ayon kay Ronquillo, ikinagalak ni COCOLIFE president  Atty.Jose Martin Loon ang ekstensyon ng pagiging ambassador ni Ravena para sa bayan gayundin ang suporta nina VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque.

Bukod sa Rav ena brother,kabilang sa pool sina Dwight Ramos,Chris Newsome,CJ Perez,Rhenz Abundo,Jordan Heading,Roger Ray Pogoy,Scottie Thompson,Japeth Aguilar,Poy Erram,Carl Tamayo,Bobby Ray Parks,Jr.,June Mar Fajardo,Kai Sotto,Ainge Kouame,AJ Edu at naturalized players Justin Brownlee at Jordan Clarkson ng NBA.