January 1, 2025

NAS ACADEMY SINUSPINDE ANG OPERASYON SA ‘PINAS

Itinigil ng Nas Academy ang operasyon sa Pilipinas matapos masangkot sa kontrobersiya ang owner nito na si Palentinian-Israeli YouTube blogger Nusseir “Nas Daily” Yassin.

Sa isang statement noong Linggo ng gabi, sinabi ng Nas Academy na inihinto ang operasyon sa bansa upang makipagtulungan sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Noong nakaraang linggo, nagsalita ang apo na babae ng legendary tattoo artist na si Apo Whang-od sa Facebook para ipaalam sa mga followers na ‘peke’ ang Whang-od Academy ng Nas Daily.

“We are committed to working with the NCIP to ensure that all proper processes are followed,” saad ng Nas Academy sa pahayag.
“Meanwhile, we will be pausing our operations in the Philippines to focus on strengthening our processes around how we collaborate with our partners.”

“At this time, new customers will not be able to purchase any courses on Nas Academy Philippines until further notice,” saad pa nito.