
Bumuhat si kid powerlifter Khrieszia Danielle Narral sa gold medal sa 2022 Powerlifting Association of the Philippines Luzon; & National Interschool Raw Championship. Nagtala rin siya ng national record sa 35-kilograms girls development squat.
Binuhat ng 12-anyos na si Narral ang 60.5kg sa second attempt. Dahilan upang lagpasan ang 60.0 na marka ni Jessa Mae Tabuan. Nagtala siya ng 27.5 sa bench press. Samantalang 77.7 naman ang nairekta ni Khrieszia sa deadlift.
Nagalak naman ang tatay at coach na si Cirilio Dayao sa natamo ng dalagita. Aniya, naniniwala siang may potensiyal ang bata sa world stage. Si Narral ay pambato ng Cyber Muscle Gym sa nasabing patimpalak.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo