January 19, 2025

Narito na ang liga ng mga estudyanteng atleta … BIGYANG -DAAN ANG NUCAA SPORTS LEAGUE!

NUCAA officials at school sports representatives sa photo ops matapos ang final meeting at press conference sa Dusit Thani Hotel kamakalawa sa Makati City. (Menchie C. Salazar)

MATAPOS ang marubdob na preparasyon at maalpasan ang mga balakid, narito at tuloy na ang pag-arangkada pinakabagong school sports league sa bansa – ang National Universities & Colleges Athletic Association (NUCAA) .

Sa idinaos na NUCAA officers meeting at Press Conference kamakalawa sa Dusit Hotel sa Makati City na dinaluhan din  ng mga kinatawan ng mga kumpirmadong lalahok na institusyon, sinabi ni NUCAA chairman Leonardo ‘Ding’ Andres, Sr. na petsa at venue na lamang ngayong buwan ng Pebrero ang ipina-finalize upang iparada na ang bandila at kulay ng mga prestihiyosong paaralang makikipagtunggali para sa karangalan at  prestige sa ligang magbibigay ng opurtunidad sa mga potensiyal na atletang dapat na matuklasan sa labas ng mga pioneer na ligang NCAA at UAAP.

“Kasama kong nagbuo ng ligang ito sina basketball legend  Ato Tolentino,champion coach Arlene Rodriguez,commissioner  Jun da Jose,treasurer Gene Roland Tumapat at sa tulong din nina  president Solomon Padiz, EVP Red Dumuk gayundin sina auditor Ric Andres,corporate secretary Atty.  Joanne Marie Fabella at  VP NUCAA South Daniel Fabella ay heto  at aarangkada na ang bagong ligang sasambulat di lang sa Metro Manila kundi sa mga rehiyon nationwide,” wika ni chairman Andres na isang tunay na basketball at other sports organizer icon sa  local maging  abroad partikular sa AUBC at FESSAP kung saan ay  katuwang ang kanyang maybahay na si Gng.Edna Co -Andres.

“Dito rin natin matutulungan ang mga batang potensyal pero di kayang makapagpatuloy dahil sa kahirapan,sa pamamagitan ng scholarship. Sa school sports ay matutupad ang kanilang pangarap na makapagtapos kaya sana ay tulungan nating  makapamayagpag ang NACUAA,” ani pa Andres.

Nasa talaan na ng mga kumpirmadong  sa naturang pampinaleng  pulong ang Arandia College, San Pedro College of Business Administration,Immaculada Concepcion College,Philippine College of Criminology, Technological University of the Philippines,Treston College, Asian Institute of Maritime School at Philippine Christian University.

“We will assure you that NUCAA will go a long long way with these legendary and icons in field of sport in this league,there’s no way but up!, sambit naman ni Padiz.

Naimbitahang maging panauhing pandangal si Senator Bong Go sa makulay na opening ceremony na  malamang  sa Pasay Astrodome ayon kay Dumuk.

Kumatawan din sa naturang pulong sina Darryl Gerald Fontanilla ng PCU,Jay Agsalud ng  ICC BlueHawks, Jay Ocampo at M. Gonzales ng ECC, Tony Boy Sangco ng Treston, Evan  delos Santos ng AIMS at mula sa SPCBA. Bukod sa flagship na basketball event, kabilang din ang mga iba pang ballgames at individual sports events ang pagtutunggalian sa NACUAA.