BAGAMA’T ramdam pa rin ng bansa ang epekto ng pandemic, lalo na sa ekonomiya, naranasan ng mga repatriates ang “first-class” treatment habang sumasailalim sa quarantine sa iba’t ibang pasilidad sa Clark.
Sa kanilang social media post, sinabi ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at balikbayan na hindi nila malilimutan ang experience nang lumapag sila sa airport hanggang makauwi ng kanilang tahanan matapos magnegatibo ang resulta sa RP-PCR tests.
Dahil sa pinagsamang pagsisikap ng Clark Development Corportation (CDC), Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Clark International Airport Corporation (CIAC), kasama ang iba pang national government agencies at local government units, naging maginhawa ang naging serbisyo sa mga repatriates mula sa kanilang pagdating para sa swab testing, at hanggang sumailalim sa quarantine.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Zoila Reyes, isang OFW mula sa Paris, France, ang kanyang personal na quarantine experience sa Xenia Hotel habang hinihintay ang resulta ng kanyang COVID-19 test.
“The hotel is very nice and the staff is so kind. No one will disturb you, they will just ring the door to give the food. If you need something, you can call them by phone and they will give you what you need right away,” ayon kay Reyes.
Kapag dumating sa airport dito, kailangang sumalang sa RT-PCR ang mga nagbabalik na OFW at iba pang mga Filipino na galing abroad.
Sila ay ililipat at ilalagay sa isang accredited quarantine hotel o pasilidad sa Clark habang naghihintay ng resulta, na karaniwang inilalabas sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.
“To see is to believe. Be positive and throw all the negative things because you will not grow if you are always negative. Our prayers and faith in God is the strongest weapon we have,” ayon kay Reyes.
Hindi niya inaasahan na ang gobyerno ay maglalaan ng magandang serbisyo para sa mga OFW at balikbayan.
Ibinahagi rin ng isang pang OFW na si Romulo Paras II ang kakaiba niyang karanasan sa kanyang Facebook post.
Sa kanyang story, nagpahayag si Paras ng kasiyahan at pagkaliugod sa mabilis na aksyon at hassle-free transaction nang dumating sa paliparan, ang kanyang tinutukoy ay ang 5-star Service Experience.
“Magagalang at mabibilis ang pagkilos ng mga staff, very helpful at super assist,” nabanggit niya sa kanyang post.
Pinuri rin ni Paras sa naging aksyon ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at LGUs sa tulong na ipinagkaloob para sa mga OFW.
“I thought big hassle ang pag-uwi sa epidemyang ito ngunit pinaramdam ng gobyernong ito ang importansya at pangangalaga sa akin bilang OFW. I felt so blessed,” dagdag ni Paras.
Ayon naman kay Tel Macaspac, na ang magulang ay balikbayan mula Europe, medyo nababahala sila na bumalik sa bansa dahil sa mga negatibong report tungkol sa mga karanasan ng OFW na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport.
Pero binigyan ang magulang ni Macaspac ng first-class nang sila ay ma-quarantine sa New Clark City facility.
At sa loob lamang ng tatlong araw, lumabas ang kanilang resulta at inihatid sila kanilang tahanan sa Angeles City, ayon sa mensahe ni Macaspac sa staff ng CDC.
Sinabi rin ni Macaspac, bukod sa masasarap na pagkain, binigyan din sila ng damit at regular na binibisita ng mga doktor na nakatalaga sa NCC. “Sobrang alaga po sila sa Athlete’s Village (at the NCC), di ko expect ang magandang treatment sa kanila. Sobrang blessed po kami dahil sa magandang treatment at alaga sa mga OFWs at OFs,” dagdag pa niya.
More Stories
DOH PINURI NI BONG GO (Pag-aalis sa medicine booklet requirement ng senior)
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE