Wagi via TKO si Naoya ‘Monster’ Inoue kay Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, sa kanilang rematch sa Saitama Super Arena sa Japan. Tinapos ng Japanese pug si Donaire sa Round 2. Sa umpisa pa lang ng round, nagpakawala na agad ng combinations si Inoue.
Bagay na nagpasira ng diskarte sa Pinoy boxer. Bumagsak sa Round 1 si Donaire nang tamaan ng solid right punch. Nakatayo pa ito ngunit nayanig sa suntok ni ‘Monster’.
Pagsapit ng Round 2, nahirapang maka-counter si Donaire. Kung kaya, nakakalusot ang combinations ni Inoue. Napansandal sa ropes at muling bumagsak ang Pinoy boxer ngunit muling nakatayo. Subalit, nanginginig na ang tuhod nito at wala na sa wisyo.
Sinamantala ni Japanese boxing star ang sandali at nirapido nito ng suntok si Donaire. Bumagsak uli ito at talagang groggy. Kaya tinigil na ng referee ang laban. Napaigi ni Monster ang record na 23-0 20KO’s.
Samantalang nadungisan ang kay Donaire na 46-7-28 Kos. Nahablot din ni Inoue ang WBC bantamweight belt ng Pinoy boxer. Na idinagdag sa hawak niyang WBA at IBF title belts.
More Stories
KAMARA IKINULONG CHIEF OF STAFF NI VP SARA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
5 tiklo sa P311K droga sa Caloocan