Nanumpa si dating Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año bilang bagong National Security Adviser.
Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Sabado.
Ayon sa PCO, pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ni Año.
Para naman kay dating NSA Professor Clarita Carlos, ipinaliwanag ng PCO na nagpasya siyang ipagpatuloy ang kanyang pagpupursige sa scholastic endeavors, sa pagsali sa Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) ng House of Representatives.
Ang CPBRD ay nagbibigay sa House of Representatives ng technical services sa pagbubuo ng mga national policy sa ekonomiya, pananalapi, at panlipunan.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI