LOS ANGELES: Patay ang TikTok star na si Anthony Barajas matapos barilin sa isang sinehan sa California kung saan inilarawan ng mga awtoridad ang krimen bilang “random and unprovoked” attack.
Namatay si Barajas, 19, matapos ang pamamaril kung saan nasawi rin ang kanyang 18-anyos na kaibigan na si Rylee Goorich, ayon sa Corona police sa southern California.
Binaril ang mga biktima habang nanood ng “The Forever Purge,” patungkol sa totalitarian government kung saan isang gabi kada taon ay pinayapayagan ang krimen, tulad ng pagpatay.
Natagpuan ng theater staff ang dalawa na parehong may tama ng bala sa ulo matapos ang pelikula. Agad na binawian ng buhay si Goodrich sa pinangyarihan ng krimen habang naisugod pa sa ospital si Barajas. “Based on the evidence provided to our office, this appears to be a random and unprovoked attack,” ayon sa local prosecutors sa isang pahayag.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA