NAMATAY ang isang 48-anyos na mangingisda matapos malunod nang pinilit pa ring sumisid upang mangalap ng tahong sa ilalim ng dagat sa kabila ng hindi maganda ang kondisyon nito sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Sa ulat na ipinadala ni P/SSgt. Edison Mata kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, kasama ng biktimang si Allan Rondozo, ng 29 Int. Losmartires St., Brgy. San Jose ang testigong si Ernie Bolante, 53, at iba pang mangingisda na pumalaot upang sumisid at manguha ng tahong sa karagatan na sakop ng Brgy. Sipac Almazen, dala ang kani-kanilang gamit na pansisid na may oxygen tank.
Sinabi ni Bolante na napuna na nila na hindi maganda ang kondisyon ng katawan ng biktima kaya’t sinabihan nila na huwag ng sumama subalit nagpumilit pa ring manguha ng tahong.
Dakong alas-7:30 ng umaga, napuna nilang nawawala na si Rondozo kaya’t naalarma na sila at sinisid ang ilalim ng dagat kung saan nila nakita ang katawan nito sa ilalim na wala na ang gamit na oxygen.
Kaagad iniahon ng kanyang mga kasama ang biktima at isinugod sa Navogtas City Hospital subalit, idineklara siyang dead on arrival.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA