
Kinumpirma at iniimbestigahan na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang insidente ng Cybersecurity breach sa kanilang systems.
Sa statement, sinabi ng GSIS na pasado ala-5:00, kahapon, nang makatanggap sila ng notice mula sa kanilang security partner, na napasok ng isang local threat actor ang administrator account ng isa sa kanilang computers.
Ayon sa state-owned pension fund, ang data breach ay ibinahagi sa Facebook page ng local threat actor.
Inihayag ng GSIS na naka-offline na ang apektadong computer at iniimbestigahan nang mabuti ang insidente upang i-assess ang lawak ng cybersecurity breach.
Idinagdag ng pension fund na bina-validate na nila ang claims ng intruder, upang matiyak ang full compliance sa requirements ng Data Privacy Act.
More Stories
KAMARA NAGLABAS NG VIDEO KUNG BAKIT NA-IMPEACH SI VP SARA
8 patay sa sunog sa Quezon City
14-ANYOS NA ESTUDYANTENG TSINOY DINUKOT, PINUTULAN NG DALIRI (Kidnappers pinatutugis ni PBBM)