Tinapos ng isang mister ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili dahil sa depresyon sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Michael Bondoc, 44, ng 9F Gutierrez St. Brgy. Panghulo.
Sa report nina police investigators PSSg Jeric Tinudugan at PSSg Michael Oben kay Malabon police chief Col. Joel Villanueva, dakong alas-4:30 ng hapon nang madiskubre ang walang buhay na katawan ng biktima ng kanyang menor-de-edad na pamangkin babae na nakabigti ng electric wire cord sa loob ng kuwarto nito.
Ayon kay P/Major Carlos Cosme, hepe ng Sub-Station 3, isang drug surenderee ang biktima na dumanas ng depresyon dala ng problema sa pamilya at pangungulila sa kanyang asawa at dalawang anak na lalaki na umuwi sa kanilang probinsya sa Capiz.
Sa pahayag sa pulisya ng ina ng biktima na si Celdita, noong nakaraang linggo ay nagtangka ng magpakamatay ang kanyang anak sa pamamagitan ng paglaslas sa pulso nito.
Tumanggi naman ang pamilya ng biktima para sa imbestigasyon ng pulisya at pagsasailalim sa bangkay nito sa autopsy examination at gumawa na lamang ng isang waiver dahil naniniwala sila na nagpakamatay ang biktima.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA