PRESINTO ang bagsak ng isang babaeng Chinese na namalo ng payong sa police Makati at kalauna’y nang-away sa dumadaan na biker.
Naging viral sa Facebook ang video ng pakikipagtalo ng 27-anyos na si Dong Li sa mga traffic enforcer dakong alas-5:15 ng hapon noong Hulyo 7 sa panulukan ng Makati Ave at Jupiter Street sa Brgy. Bel Air sa nasabing lungsod.
Ayon sa siklistang kinilalang si Jefferson Reyes na pinaghahampas ng babae, nauna nang binanatan umano nito ang enforcer na nagbabawal dito na tumawid sa kalsada dahil pula pa ang traffic light.
Nang makita ni Reyes ang pangyayari ay sinigawan niya umano ang Chinese para awatin.
Dito na siya pinagbalingan ng galit ng babae at ito na rin ang eksenang sapul sa kamera kung saan pinaghahampas na siya.
Hindi rin nakaligtas sa galit ng babae ang isa pang security guard maging ang nasa sasakyan na kumukuha ng viral na video.
Maya-maya pa, ay dumiretso umano ang babaeng Chinese sa isang restaurant at dito ay muli raw nagwala at nanira ng mga gamit.
Dito na siya pinosasan ng rumespondeng security guard; imbes na tumahimik ay dinuruan pa niya ang sekyu.
Nahaharap sa kasong physical injury at disobedience to person of authority ang nasabing Chinese national.
This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish.ACCEPT
Privacy & Cookies Policy
Privacy Overview
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these cookies, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may have an effect on your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. This category only includes cookies that ensures basic functionalities and security features of the website. These cookies do not store any personal information.
Any cookies that may not be particularly necessary for the website to function and is used specifically to collect user personal data via analytics, ads, other embedded contents are termed as non-necessary cookies. It is mandatory to procure user consent prior to running these cookies on your website.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA