Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang DepEd Central Luzon na imbestigahan ang nag-viral na Tiktok Video ng isang lalaking guro sa Pampanga.
Ang nasabing clip na may caption na “‘Pag dumaan ‘yung cute na student mo. Tamang pa-cute lang,” ay binura na sa Tiktok subalit marami na ang nakapansin at nabahala dito hanggang sa makarating na sa atensyon ng DepEd.
Sa nasabing video ay makikita ang guro na nagpapa-cute at hinahawi ang buhok habang nagkukunwaring may dumaan na cute na estudyante sa kaniyang harapan.
Ayon sa DepEd hindi kailanman kukunsintihin ng kagarawan ang anumang uri ng abuse sa mga kabataan.
Iniutos ni DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones sa Regional Director ng DepEd Central Luzon na agad imbestigahan ang video sa posibleng child abuse action nito at patawan siya ng karampatang parusa.
Paalala ng DepEd sa mga guro at maging sa mga non-teaching personnel laging isaalang-alang ang highest degree ng ethical at professional standards sa kanilang mga aksyon sa social media.
Bilang mga guro at public servants, tugkulin nila ang tiyakin ang ligtas na learning environment para sa mga bata kung saan walang puwang ang physical, verbal, sexual at iba pang uri ng pang-aabuso.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE