September 17, 2024

NANCY BINAY 100% SURE NA TATAKBONG MAYOR NG MAKATI

Wala nang makapagbabago sa isip ni Senator Nancy Binay para tumakbo bilang mayor ng Makati City.

Nasa huling termino na siya bilang senador, nagdeklara na si Nancy na “ready to serve” sa kanyang ibahagi ang snapshot habang hawak-hawak ang isang heart-shaped “100%” sign.

Una nang sinabi ng senador na “more than 50 percent na siyang sure” na tumakbo para sa pagkaalakde ng Makati City, habang naghihintay siya ng ilang signs. “Ready to serve … #Makati2025 ☻️” mababasa sa caption ni Binay sa kanyang “100 percent” snapshot.

Inilabas na rin ni Binay ang kanyang panibagong political brand.

“Serbisyong Ate Nancy Binay. May puso’t kalinga,” post ni Binay sa kanyang social media page.

Kung tatakbo siya bilang mayor, makakalaban ni Nancy ang asawa ng kanyang kapatid na si Abby na si Makati 2nd district Rep. Luis Campos sa 2025 local polls.

Usap-usapan na tatakbo si Abby, na kasalukuyang mayor ng Makati City, bilang senador sa susunod na eleksyon.

Nakatakdang maghain ng certificates of candidates ang mga kakandidato sa  Commission on Elections (Comelec) sa susunod na buwan.