December 23, 2024

Nanalong bidder para sa 2025 automated elections… P17.9-B COMELEC CONTRACT SA ‘MIRU SYSTEM’ SELYADO NA

MAY nanalo ng bidder para sa isasagawang 2025 midterm national and local election.

Inaprubahan ng Comelec en banc ang rekomendasyon ng Special Bids and Awards Committee o SBAC na i-award ang proyekto sa joint venture ng MIRU Systems Company Ltd Integrated Computer System.

Kasama rin sa joint venture ang St. Timothy Construction Corporation, at Centerpoint Solutions Technologies Inc.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia unanimous ang decision ng En Banc o lahat ng Commissioners.

Sabi ni Garcia, sinunod nila ang rekomendasyon ng Technical Working Group at Bid and Awards Committee na ibigay sa Miru System Company Limited ang kontrata.

Nakapaloob sa naturang kontrata ang teknolohiya na gagamitin, pagsupplay ng 110,000 na mga makina, ballot boxes, printing of ballots, mga laptops at iba pa.

Ang naturang kontrata ay limitado lamang sa pagrenta ng Comelec sa mga teknolohiya at kagamitan ng Miru System.

Maliban dyan, kasama rin sa kontrata ang Transparency Audit/Count (FASTrAC) para sa 2025 national and local elections.

Nagpasalamat naman ang Miru System Company Limited Inc., sa pagtitiwala sa kanila ng Comelec at tiniyak na susunod sila sa Terms of Reference kasabay ng paniniguro ng isang malinis at payapa na halalan sa 2025.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng halos labing walong bilyong piso o ₱17,988,878,226.55.###