November 3, 2024

Nakaka-good vibes ang ginawa ng vegetable vendor na nagsauli ng 2.7 milyon

Kumusta mga Cabalen? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.Sadyang may kapalit na maganda ang pagiging matapat. Kaakibat kasi nito ‘yung takot sa Diyos.

Kaya, ginagantimpalaan ang pagiging matapat ng isang tao. Pinakikita o sinasalamin nito ang pagkakaroon ng malinis na budhi ng isang tao.

Nakatutuwa ‘yung may ganung tao. Nakaka-good vibes talaga.Isang halimbawa nito ang ginawa ng isang babaeng vegetable vendor. Taga-Laoag, Ilocos Norte.

Isinauli kasi nito ang bag na naglalaman ng P2.7 milyong piso. Naiwan ito ng isang babae na kumakain sa isang fast food restaurant. Katabi lang ng nakapulot.

Ang babaeng nakapulot ay si Alice Baguitan. Aniya, agad niyang hinabol ang babaenng nakaiwan ng bag.

Sa gayun ay maisauli niya ang bag nito. Nang ganap nang maibalik ang bag, tinanggihan ni Alice ang perang cash reward.

Hindi ba’t nakakahanga ang ginawa niya? Gagawa lang ba tayo ng mabuti sa kapwa dahil sa reward.

Dahil dito, nagviral sa social media ang ginawang ito ni Alice at napabalita pa siya sa TV. Sa panayam sa kanya, ginawa niya na rin ang gayung bagay noon.

Aniya, isinauli niya ang kalahating milyong piso na pagmamay-ari ng ibang tao. Katuwiran ni Alice, mas higit siyang pagpapalain ng Diyos sa pagiging honest niya.

Ganyan sana ang karamihan. Pag alam nating hindi atoin, isauli natin. Lalo na kung alam natin kung sino ang may-ari.