Dear Maestro
Una po sa lahat, binabati ko po kayo ng isang magandang araw, pati na rin po sa lahat ng bumubuo ng pahayagang Agila ng Bayan. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang aking napanaginipan na ako raw po ay nagtratrabaho sa minahan ng uling. Kilala po ako ng mga tao.
Pero, ako po, hindi ko po sila kilala. Kaya, nagtataka po ako. Parang bumalik rin po ako sa nakaraan dahil nakita ko sa kalendaryo na nakasabit sa aming quaters na 1926. Tapos po, nakahukay po ako ng malaking bungo ng tao. Tuwang-tuwa po sila nang makita ko iyon at masaya silang isinakay po iyon sa kariton. Ano po ang ibig sabihin nun. Salamat po. Roland, 22 ng Caloocan City. CP# 099945038++
Dear Roland
Pinahihiwatig ng iyong panaginip na ikaw ay isang magaling na problem solver. Na ikaw ay natuto sa mga nagawang mali noong nakaraang panahon, kung kaya, tama na ang iyong pagpapasya. Ikaw ay hinihingan ng iyong mga kaibigan o ng iyong kapwa ng payo upang matulungan sila sa kanilang malalaking desisyon sa buhay.
Gayunman, ikaw ay makagagawa rin ng paraan para matulungan sila sa abot ng iyong makakaya. Inilalarawan na to na ikaw ay mahilig magbasa ng history books, mahilig sa ancient at modern mystery na pinagkakaabalahan mo kapag ikaw ay nag-iisa.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?