November 3, 2024

NAKAHIHILONG ELECTRIC BILL AT SERBISYO NG MERALCO, MAAYOS SANA ITO!

Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita, sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan. Ating himayin ang mga isyu ngayon sa ating bayan. Bigyan pansin natin itong mga concern ng ilan sa ating mga kababayan sa mataas na singil ng Meralco.

Porke summer, dami raw gumagamit ng appliances. Kaya, magdadagdag na naman ng charge bawat kunsumo. Bale, pinakara lang tayo nitong nakaraang singilan. Pero, bumawi itong buwan ng Marso. Malay ba nilang nagtitipid na rin ang karamihan dahil alam ni Juan na kakanain na naman sila sa singilan.

May mga kaso na bayad na sila ng bill, pero lagpas ang iba sa due date. Gayunman, lumalabas ang balanse sa susunod na bill. Kaya nagtataka sila. Sino kaya ang nagco-compute ng pigura sa bill? AI ba o manual? Kaya nagkakamali ng computation . O baka delayed lang? Sana ay maayos ito ng taga-Meralco para makapagbigay ginhawa sa ating mga kababayan.

May iba naman na nagrereklamo dahil sa walang abisong electric interruption. Kung mayrun naman, di agad naibabalik ang kuryente sa takdang oras. Kaya, dusa ang iba sa ating mga kababayan. Sana…sana…magdiscount uli sa bill ang Meralco. Para masaya naman si Juan. Adios Amorsekos!