December 20, 2024

Naka-moved on na agad… KATHRYN BERNARDO, PAMBABABAE NG DYOWA DINEDMA

BILIB kami sa pagiging martir ni Kathryn Bernardo, dedma at pagpapapayat ang inatupag ng actress para malibang siya ng husto.

Kung totoo ang chika, pangatlo na pala si Andrea Brillantes na pinatulan ng dyowa ni Kathryn. Iyong una ay non-showbiz girl at ang ikalawa naman ay si Barbie Imperial.

Kahit cool at dedma lang si Kathryn, halata ring nasasaktan din ang actress. Pasalamat na lang si boyfriend dahil hindi pa na uuntog si Kathryn Bernardo.

“Dapat habang maaga ay gumawa na siya ng kanyang sariling move, dahil sa bandang huli ay siya rin ang talo. Pera na lang kung pakakasalan siya ng kanyang boyfriend, pero hindi niya deserving ang  pambabae ng kanyang boyfriend. “Mahal niya siguro si lalake, kaya pinagtitiisan niya ang pambabae ng kanyang boyfriend. Dapat mag-isip isip na si Kathryn Bernardo, dahil ang boyfriend niya ay likas na ang pambababae dahil kilala silang mga babaero,” mataray na pahayag ng aking source.