NANGAKO ang business tycoon na si Ramon Ang, president at CEO ng San Miguel Corporation, na pagbubutihin ang pamamahala sa NAIA upang hindi na ito muling tawagin “worst airport” sa mundo.
Ito’y matapos opisyal ng naisapakamay ngayong Sabado ang pamamahala o operasyon ng NAIA sa New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) para sa rehabilitasyon ng main gateway ng bansa.
“‘Yung NAIA, ayaw na ayaw kong tawagin ng mga foreigner ‘yan na worst airport in the world kaya I want to make sure na kung pwede, ako na sana magkaroon ng pagkakataon na mag-rehabilitate nitong NAIA,” ani ni Ang.
Nabatid na ilang food establishments sa NAIA Terminal 3 ang tinanggal para bigyang daan ang paglalagay ng mga bagong pasilidad.
Ayon sa SMC consortium, sa loob ng 3-6 na buwan, maaayos ang mga escalator at palikuran, pananatili maayos ang kuryente at tubig, malamig na air conditioning, maingat na paghawak ng bagahe, mas mabilis na pagproseso ng pasahero, mas maraming upuan, at mabilis na WiFi.
Ilan din sa mga inaasahang pagbabago sa NAIA ay ay ang expansion ng Passenger Terminal Buildings, karagdagang aircraft parking bays, pagdaragdag sa vehicular parking slots, installation ng world-class systems at technology, mas maraming food and beverage at retail options, mas convenient na land transport connectivity at iba pa. Aasahan din na mababawasan ang pagkaantala at kanselasyon ng flights dahil sa mga isyu sa mga pasilidad ng paliparan. (ARSENIO TAN)
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK