Lalong umugong ang usap-usapan kay Makati Mayor Abby Binay kaugnay sa posible nitong pagtakbo bilang Senador sa 2025.
Nitong nakaraang Biyernes, sinamahan ng third-term mayor si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga congresswoman Gloria Macapagal Arroyo sa pamamahagi ng financial assistance sa Floridablanca.
Kasa-kasama rin nila si Floridablanca Mayor Darwin Manalanasan at iba pang opisyal.
Kamakailan lang sumali si Binay sa Nationalist People’s Coalition kasunod ng anunsyo nito na posible siyang gawing kandidato sa pagka-senador sa paparating na eleksyon.
Sakaling matuloy, posibleng pumalit sa kanya sa Makati City bilang alkalde ang asawa ni Nancy na si Makati Rep. Luis Campos kung saan makakalaban umano si Sen. Nancy Binay.
More Stories
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan
Global Day of Action laban sa climate change