April 19, 2025

NAGPA-ARESTO KAY FPRRD, NAGTUTURUAN NA!

NAGTURUAN na ang mga opisyal na inimbitahan sa pagdinig ng Senado tungkol sa tanong ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa kung sino ang nag-utos na isakay sa eroplano si dating Pangulong Rodrigo Duterte para dalhin sa The Hague, The Nethrelands.

Ayon kay PNP-CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III, ang utos na natanggap niya mula kay PNP Chief PGen. Nicolas Torre III ay isilbi ang warrant at tiyakin na maihahatid si Duterte sa team na magsasakay sa dating pangulo sa eroplano papuntang The Hague.

Nang matanong naman si Gen. Marbil, ang kanyang naging order sa CIDG ay tulungan ang Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) pagdating sa pag-aresto kay Duterte.

Pero sinabi naman ni PCTC Executive Director LtGen. Anthony Alcantara na ang kanyang mandato ay limitado lamang sa pag-coordinate ng mga law enforcement agencies sa pag-aresto kay Duterte na requirement ng Interpol.

Humiling naman si Marbil ng “executive privilege” tungkol sa paksang ito sabay giit na hindi siya nagsisinungaling.


Samantala, hinamon naman ni Torre na sampahan na lamang siya ng kaso sa korte para masagot niya sa proper forum ang mga tumutuligsa sa ginawa niyang pag-aresto sa dating pangulo. (BG)