UMAPELA ang American health official sa mamamayan ng United States sa pagdiriwang na kanilang ika-244 na Independence Day ngayong araw.
Ito ang araw na tradisyunal na ipinagdiriwang ng mga Amerikano taon-taon – may mga paputok, parada at konsiyerto, kabilang na rin dito yung pagsasama-sama ng pamilya na nag-iihaw sa tapat at likuran ng kanilang bakuran. Pero ngayong taon, nakiusap ang mga health official sa lahat na panatilihin ang social distancing dahil patuloy pa rin ang pagdami ng bilang ng tinatamaan ng coronavirus.
Umabot na sa halos 19 milyon ang naitalang kaso ngayong linggo sa buong mundo, kung saan kalahating milyon ang namatay. Isa ang US sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 na naiulat sa buong mundo, sumunod ang Brazil, Russia, India at United Kingdom.
Matapos simulan na luwagan ang paghihigit sa 50 estado ng US, tumaas din ang bilang ng kaso ng coronavirus sa 37 estado nito at nangunguna ang Idaho, Montana, Florida, Nevada, Texas, Kansas, at Georgia. Habang ang 26 estado ay nagbago ang plano dahil nga sa pagtaas ng bilang ng nahahawa sa nasabing virus. Nag-anunsiyo ang Massachusetts na kailangan nilang isailalim sa quarantine ang lahat ng kanilang bisita mula sa ibang estado.
Madaling maipasa at kumalat ang coronavirus lalo na sa mga park at beach, sa bar at restaurant, sa mga party. Pupuwedeng mahawa ang marami sa isang bahing lang ng taong infected ng virus.
Dahil nga’t pagdiriwang ng Independence Day ngayon, hinikayat ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDCP) ang mamamayan na obserbahan ang social distancing at magsuot ng face mask o anumang pupuwedeng ibalot sa mukha sa mga pampublikong pamilihan gaya ng grocery store o public train station.
Patuloy na nakatutok ang buong mundo sa US sa panahong ito ng pandemya dahil sila ang nagiging epicenter na may pinakamaraming kaso at namatay sa sakit sa lahat ng bansa. Mayroon din tayong sariling kaso rito sa Pilipinas, ang Cebu kung saan marami ang pasaway ay nasa ilalim pa rin ng Enhanced Community Quarantine. May iba’t iba ring level ng lockdown sa iba pang lugar ng ating bansa, gaya ng Metro Manila na nasa General Community Quarantine hanggang July 15.
Umaasa tayo na maipagdiriwang ng US ang kanilang Independence Day ngayong araw na hindi na dumami pa ang bilang ng kaso ng coronavirus sa kanilang bansa. Nawa’y sumunod sa CDCP ang mga Kano na panatilihin ang social distancing habang sila’y nagdiriwang.
“Gawin nila ito para sa kanilang minamahal sa buhay,” ayon sa CDCP. Ito’y paalala hindi lamang para sa mga Kano kundi sa buong mundo, mayroon mang selebrasyon o maging ordinaryong araw.
More Stories
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS
Ang Disyembre ay Buwan ni Rizal
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo