
INILUNSAD ni dating Mayor Joric Gacula at ng kanyang Team Nagkakaisang Taytay ang isang house-to-house campaign sa naturang bayan upang personal na malaman ang mga pangangailangan ng mga residente at maayos na mapagsilbihan ang mga ito.
“Sa bawat lugar na ating napupuntahan, dala natin ang tenga na handang makinig at kamay na handang gumabay sa bawat Taytayeño,” ayon kay Gacula.
“Naniniwala tayo sa participative governance—isang pamamahalang kasama ang mamamayan sa bawat hakbang tungo sa mas maunlad na Bayan ng Taytay!” dagdag pa niya.
Si Gacula, kasama sina vice mayoral bet Jeca Villanueva at mga kandidato sa pagka-konsehal na sina Mitch Bermundo, Archie Calderon, Tegan Cayton, Gerald Cruz, Gerick Fransisco, Manet Gonzaga, Bonggit Jurado at Allyson Lopez ang bumubuo sa Team Nagkakaisang Taytay.
More Stories
SENADO NAG-CONVENE BILANG IMPEACHMENT COURT
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms