MULING binuksan sa publiko ng Philippine National Railways ang train operations nito mula Naga City sa Camarines Sur patungong Legazpi City sa Albay.
Matatandaan na sinuspinde ang operasyon nito noong Abril 2017 dahil sa kakulangan ng train coaches at locomotives.
“Ngayong umaga, December 27, matapos ang higit na anim na taon, muling tinahak ng mga PNR trains ang 101-kilometrong rutang Naga-Legazpi-Naga sa Bicol Region,” ayon sa PNR.
“Sa pag-arangkada ng mga PNR trains sa nasabing ruta, naisakatuparan ang hiling ng mga Bicolano na unti-unting magbalik ang serbisyo nito sa kanilang mga bayan at rehiyon,” dagdag pa nito.
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO