September 19, 2024

NADINE LUSTRE, CHARMING LALO KAHIT NAGKALAMAN

Photo by AJ Cabarles/ Instagram

Ibang klase ang dating ngayong ng aktres-singer na si Nadine Lustre. Ang lakas na ng appeal nito at ang ganda ng aura. Although morena na ang kanyang kutis, okay pa rin ang arrive.


Kanina ay nagdine-in si Nadine at ang kanyang new BF sa isang cafe sa Antipolo. Marami ang nakapapansin na ang ganda ng smile at glow niya. Talagang masaya siya ngayon. Kahit medyo nagkalaman daw, may dating pa rin at mas gumanda pa. Ano ka ngayon James? Mas naging charming pa yata si Nadine ngayon kahit medyo tumaba.


Namigay din daw siya ng food gift sa mga nandoon na ikinatuwa nila. Sabi ng nadun, sila ang binigyan ng may-ari ng Kaulayaw cafe ng gift.

Halatang naka-move-on na ang aktres sa kanyang mga pinagdaanang pagsubok. Kaya happy siya ngayon. Nagkaayos na kasi sila ng VIVA. Plus, may bago siyang minamahal. Sino ba naman ang di sasaya, di ba?