
TOTOONG mapapanood na si Regine Velasquez at ang iba pang mga Kapamilya show gaya ng ‘It’s Showtime,’ ‘ASAP Natin ‘To,’ at mga teleseryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ ‘Love Thy Woman,’ at ang ‘A Soldier’s Heart’ at replays ng iba’t ibang mga teleserye at movies sa Kapamilya Online TV Network.
“Masaya si Regine Velasquez, dahil meron na nga siyang show sa Kapamilya Online TV Network. Pero hanggang ngayon ay dama pa rin niya ang lungkot dahil nagsara nga ang kanilang network at marami ang nawalan nang trabaho.
“Ngayon ay muli nang makakapagbigay nang saya si Regine, sa kanyang mga followers. Sa digital n’yo na mapapanood ang kanyang show, hangad niya na masubaybayan n’yo siya. Talagang excited na si Regine makapagumpisa, dahil alam niyang ito na ang way para makasama niya ang mga fans niya na patuloy na nagmamahal sa kanya.”
Good luck sa bagong home niya, dahil patuloy na silang makakapagbigay saya sa kanilang mga tagahanga.
More Stories
RICKY DAVAO, PUMANAW NA SA EDAD NA 63
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”