IDINETALYE ng singer na si Gerald Santos ang ginawang pangre-rape sa kanya ng isang musical director ng GMA Network noong siya’y 15-anyos pa lamang.
Sa pagdinig sa Senate Committee on Public Information and Mass Media na nag-iimbestiga sa sexual harassment sa entertainment industry, sinabi ni Gerald, 33-anyos, naganap ang pambababoy sa kanya noong 2005.
“Ako po ay ‘di po na-harass, ‘di po na-abuse, ako po ay na-rape po… I was only 15 years old at that time so wala po talaga akong lakas ng loob nung nangyari,” malungkot na sambit ni Gerald.
Nanatiling manahimik ng naturang singer dahil sa takot na balikan siya hanggang sa magdesisyon siya na magsampa ng internal complaint noong 2010. Ayon kay Gerald na walang malinaw na resolusyon sa kanyang complaint.
Sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa komite na tinanggal na ng GMA ang musical director.
Pero naniniwala si Santos na ang mga kaibigan nitong musical director na nasa loob ng kompanya ang gumawa ng paraan para mapaalis din siya sa naturang network.
“Yes po ang nangyari nga lang po ay kasi po ‘yung musical director na eto ay connected po sa mga ibang executives sa loob, so ako po ay napag-initan so kahit na naalis nga po siya, naalis din po ako sa network,” ayon pa sa kanya.
“Dumating sa point na gusto ko na rin tapusin ang buhay ko. Hirap na hirap po ako kung paano ko itataguyod ang pamilya ko,” pag-amin pa niya.
Para sa kasong ito, natanong naman ng senador ang isang resource person mula sa Department of Justice kung ano ang dapat gawin ni Gerald hinggil sa kanyang pinagdaanan lalo pa’t matagal na itong nangyari.
Sabi ng DOJ, ideally the prescription period for heinous crimes such as rape is 20 years, pero dahil minor pa siya nang mangyari ang panghahalay, baka raw bigyan ng konsiderasyon ng korte ang kaso ng singer.
Nagkaroon ng lakas ng loob si Gerald na isapubliko ang nangyari sa kanya matapos magsampa ng reklamong sexual abuse si Sandro Muhlach laban sa dalawalang independent contractors ng GMA 7.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA