ISINIWALAT ng dating aide ng yumaong si President Kim Dae-Jung na naka-coma si North Korean leader Kim Jong-un.
Dahil dito, ayon sa ulat ng Mirror, ipinaubaya ni Kim Jong-un ang kapangyarihan niya sa nakababatang kapatid na si Kim Yo-jong.
“I assess him to be in a coma, but his life has not ended,” ayon kay Chang Song-min, dating aide, ni President Kim Dae-Jung.
“A complete succession structure has not been formed, so Kim Yo-jong is being brought to the fore as the vacuum cannot be maintained for a prolonged period”, dagdag pa niya.
Ilang araw ang nakalipas nang ianunisyo ng National Intelligence Service (NIS) na may ganap pa ring kapangyarihan si Jong-Un subalit dahan-dahan niyang inilipat ang kanyang awtoridad kay Kim Yo-Jong upang mabawasan ang stress.
Matatandaan na bibihira lamang makita ngayong taon ang naturang diktador, na tinatayang nasa 36 ang edad matapos mapaulat na nagkaroon ito ng problema sa kalusugan.
Kumalat pa ang balitang sumailalim ito ng palpak na operasyon sa puso kung saan sinasabing lantang gulay at patay na ang lider ng bansang South Korea.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?