
Ibang klase ang sigla at karisma ni Mylene Paat sa kanang paglalaro ng volleyball sa Thailand. Naglalaro ang Pinay volleybelle sa Nakhon Ratchasima MinC VC.
Kahit na natalo sa unang salang niya sa team, nakuha ni Mylene ang atensyon ng mga Thai fans. Masaya naman siya sa mainit na pagtanggap sa kanya sa Women’s Thailand Volleyball League. Impresibo anila ang ipinalamas ng Pinay volleybelle. Katunayan, may players na nahirapan sa banat ni Paat.
Nagbahagi si Paat ng ilang photos sa kanyang Instagram account. Kung saan, kasama niya ang kanyang team.
” Play, play, play,” caption ni Paat sa pinost na pictures. Sunod na papalo si Mylene sa December 23. Kung saan, mahaharap ng kanyang team ang Khonkaen Star.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo