Enjoy si volleybelle Mylene Paat sa isinasagawang bubble training ng women’s national volleyball team. Na preparasyun nila sa pagsabak sa AVC meet sa Thailand sa October 1-7.
Katunayan, siya ang pinakakuwela sa mga volleybelles. Sa isang kuhang video, makikita si Mylene na nagpu-push-up.
Nariyan din na nakukuha nyang mag-selfie at nakikipagbiruan kay Ma Joy Baron. May kuha rin siyang video na kung saan siya ay bagong gising.
May caption pa ang pabangon niya sa higaan na : Good morning mga anak.” Kaya, aliw na aliw sa kanya ang mga volleyball fans. Siya na raw yata ang pinakakalog sa national team. Kabilang si Mylene sa Team Rebisco at kakampi niya rito sina Baron, Abigail Marano at iba pa.
More Stories
NM Nika sosyo sa 5 iba pang manlalaro sa Marienbad Open 2025 – C FIDE Open 23rd International Chess Festival
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2