PATAY ang isang 7-anyos na babae matapos barilin ng military junta sa Mandalay, Myanmar.
Ito na ang pinakabatang biktima sa ginagawang crackdown ng mga militar sa Myanmar laban sa mga oposisyon.
Nakakandong si Khin Myo Chir sa kanyang ama nang biglang pumasok sa kanilang bahay ang mga sundalo at binaril ang huli pero tinamaan ang biktimam saad ng kanyang kapatid sa Myanmanr Now news website.
Sinabi ni junta spokeman Zaw min Tun na aabot na sa kabuuang 164 na protesters ang kabuuang napatay mula ng agawin ng militar ang kapangyarihan sa gobyerno noong Pebrero 1 kung saan mayroon din siyam na militar ang napatay.
Taliwas naman sa naging bilang ng Assistance Association for Political Prisoners (AAPP) na mayroong 261 na ang napatay ng mga military junta. Magugunitang kinondina na ng maraming mga bansa ang nasabing insidente.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA