NASUNGKIT nina Greg Anthony Muyong at Marcus Caleb Pablo ang dalawang gintong medalya sa kani-kanilang dibisyon habang ipinagdiwang ng Congress of the Philippine Aquatics, Inc. (COPA) ang pagbabalik ng Novice swimfest kasama ang mga kabataan mula sa mga pablublikong eskwelahan nitong Sabado sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.
Ang 14-anyos na si Muyong ng Green Blasters Swim Club ang nanguna sa boys 14-yrs. Class A 50 meter Freestyle (27.90) at 100-m Individual Medley (1:09.90) habang si Pablo ng Aquaknights ay nanalo sa 6-yrs old na kategorya sa 50-m free (57.41) at 25-m breastroke (28.91) para pangunahan ang mga promising swimmers sa dalawang araw na event bilang bahagi ng grassroots sports program ng COPA.
Pinangunahan ni COPA founder Batangas 1st District Cong. Eric Buhain kasama sina coach Chito Rivera at Richard Luna ang pagbibigay ng mga medalya sa lahat ng mga nanalo matapos magbigay ng inspirational message partikular na sa mga batang manlalangoy mula sa mga pampublikong paaralan na nangangarap na sumali sa kompetisyon, nguinit may alalahanin sa pagbabayad ng club memberships at coaches.
“Walang dapat maging sagabal sa ating mga pangarap. Hindi dito natatapos ang inyong pagpupursige, every tournament dapat laging misyon ninyo ay maimproved ang inyong mga oras. Nakakapagod, pero kailangan nating magtiyaga at magsakripisyo para maabot natin ang ating pangarap. Kami po sa COPA ay handang gumabay sa inyong lahat lalo na sa mga batang nagnanais matuto at humusay,” pahayag ng two-time Olympian and SEA Games multi-medalist.
“Maraming nagtatanong sa akin kung ano ang nararamdaman ko dahil hanggang ngayon ay wala pang nakakabura sa six-gold medal na nakuha sa SEA Games noong 1991. Dito sa mismong swimming pool na nilanguyan ninyo nagawa ang record ko. Ang sagot ko, malulungkot si Eric Buhain dahil mahabang taon na ang nakalipas wala pang nakakabura sa record. Sa inyong hanay, umaasa ako na magmumula sa inyo ang bubura sa record ni Eric Buhain,” sambit ng dating Philippine Sports Commission (PSC) and Games and Amusements Board (GAB) Chairman.
Ipinahayag ni Rivera, head coach din ng Jose Rizal University (JRU) varsity, ideya at misyon ni Buhain na palakasin ang programa sa grassroots level hindi lang para sa mga swimmers na kaanib sa mga clun na sanctioned ng COPA kundi sa lahat ng mga batang manlalangoy partikular na ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.
“Itong mga batang ito ay hindi na mag-aalala kung saan nila kukunin ang mga gastusin para makalangoy. Nakikipag-usap na ang COPA sa DepEd at sa iba’t ibang local na pamahalaan through our cluster officials para maipagpatuloy nila ang paglangoy at makasali sa mga tournaments ,” sambit ni Rivera.
Ang iba pang mga nagwagi sa event na itinatuyod din ng Speedo ay sina Roderick Gonzalvo in 50-m free Class A 13-yrs (27.30); Matthew Paz (Class B, 38.70); Elijah Manalili (Class C, 40.82); Daniel Karl Glory in 50-m 14 yers Class B (36.40); Dannish Londob (Class C, 39.40); boys 15 50m free Alvin Marticion (Clas A 25.80); Carl Malbas (Class B, 33.30); Jhonny Mendoza and Roldan Seiga (Class C, 37.40); 7-yrs old 25m breast Caleb Immanuel Pascia (31.31); boys 11-yrs 100-m IM Kurt Exebia (1:27.00); Rodevic Gonzalvo (boys 14, 1:05.40);
Benjie Manto (boys 6 50-m free, 57.41); Achilles Calingo (boys 7, 58.98); Brennan Batchao in boys 8 (class A, 27.33); Nathan Bayron (Class C, 37.80); Kai Mangubat in the boys 10 breast (Class A, 21.54); Yuan Dela Cruz (Class B, 24.60); John Catindig (Class C, 27.50); Clarez Layos in 11-yrs breast (Class A, 21.30); Kurt Exebia (Class B, 22.70); Corvin Mcmeans (Class C, 27.00). Magbabalik ang aksyon ngayon (Linggo) para sa girls division.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI