Tiniyak ng Department of Justice (DoJ) ang mabilis na paglilitis sa siyam na pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sunadalo sa Jolo, Sulu.
Kasunod ito ng pag-apruba ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas sa rekomandasyon na sibakin sa serbisyo ang mga suspek.
Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ang mabilis na paglilitis ay para mabigyan agad ng hustisya ang pamilya ng mga biktima.
Una rito sinabi ni Sinas na nakikipag-ugnayan na sila sa DoJ, para sa warrant of arrest laban sa siyam na pulis.
Kapag wala raw kasing arrest warrant ay iti-turn over na ang mga pulis sa kanilang pamilya dahil wala ng hurisdiksyon ang PNP sa kanila.
Matapos kasi silang sibakin ay magiging sibilyan na ang mga ito.
Kinatigan ni Sinas ang rekomendasyon ng Internal Affairs Service (IAS) ng PNP na ni-review naman ng kanilang legal department.
Ang mga sinibak sa serbisyo ay sina:
Senior M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri
M/Sgt. Hanie Baddiri
S/Sgt. Iskandar Susulan
S/Sgt. Ernisar Sappal
Cpl. Sulki Andaki
Pat. Mohammed Nur Pasani
S/Sgt. Almudzrin Hadjaruddin
Pat. Alkajal Mandangan at
Pat Rajiv Putalan.
Buwan ng Hunyo nang nagsagawa ng intelligence at monitoring operations ang apat na sundalo sa Jolo dahil daw sa presensiya ng dalawang hinihinalang suicide bombers nang sila ay napatay ng mga pulis.
Nabatid na maliban sa administratibong kaso, nasampahan din ang siyam ng kasong kriminal na murder at planting of evidence ng National Bureau of Investigation (NBI). Sa ngayon, nasa restrictive custody ng PNP ang siyam na pulis.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA