Pinangunahan ni MMDA acting chairman Atty. Don Artes, National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee, Mowelfund chairman actress Boots Anson Roa-Rodrigo at iba pang representatives sa industriya ng pelikula ang paglulunsad ng Metro Manila Film Festival (MMFF) murals painting project sa lumang tanggapan ng MMDA sa kahabaan ng EDSA Orense sa Makati City nitong Setyembre 19, 2024.
Ito’y bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng MMFF na may temang “Sine Sigla sa Singkwenta!”
Layon ng proyekto na bigyang parangal ang mayamang kasaysayan ng MMFF habang hinihikayat ang publiko na makiisa sa pagdiriwang ng pelikulang Pilipino.
Sa pamamagitan ng “Sine Sigla sa Singkwenta” ng MMFF, maaaring mapanood ng publiko ang mga iconic na pelikula mula sa nakalipas na 50 taon ng MMFF sa halagang P50 lamang.
May kabuuang 50 pelikula mula sa iba’t ibang genre ang ipapalabas sa mga piling sinehan sa buong bansa mula September 25 hanggang October 15.
Inanunsyo ng pamunuan ng MMFF na tingnan lamang sa kanilang FB page ang takdang araw ng pelikula at impormasyon tungkol sa mga kalahok na sinehan na magpapalabas ng naturang mga pelikula.
More Stories
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON