December 21, 2024

Mural ng tanyag na pintor na si Freddie ‘Godo’ Zapanta sa Taytay, Rizal, binaklas

TULUYAN nang ipinantanggal sa kinalalagyan nito sa Pamahalang Bayan ng Taytay ang mural na ipininta ng tanyag na pintor na si Godofredo “Freddie “Zapanta.

Napagpasyahan ng lokal na pamahalaan ng Taytay na ipatanggal ang nanahimik na nasabing obra dahil sa hindi malamang kadahilanan.

Itinatampok sa binaklas na obra ng lokal na artist na si Zapanta ang kultura ng Taytay.

Ikinalungkot naman ng ating mga kababayan lalo na ni dating Mayor Joric Gacula ang pagbabaklas ng obra ni Zapanta, na nominado bilang “national artist” ngayong 2022.

“Kung sa ibang bansa ay pinapahalagahan ng pamahalaan ang mga likha ng sining at mga lokal na talento, dito sa Administration ni Mayor Allan ay parang wala lang, lubhang nahihiya ako sa ating tanyag na Pintor na si Ka Godofredo “Freddie “Zapanta dahil ang kanyang obra maestra na nagtatampok ng Kultura ng Taytay ay inalis sa kanyang lalagyan sa Pamahalaang Bayan ng Taytay,” ayon sa Facebook post ni Joric.

“Ultimo ang pag tanggal ay ginawa lang ng mga empleyado. Kung sa mga experto sana yan pinagawa ay maiingatan ang pinaghirapan ng artist at pinagkagastusan ng pamahalaan. Nakaka lungkot lang na ganyan lang ginawa sa isang likha ng ating kababayan. MAIBA NAMAN Daw?,” dagdag pa ng alkade.

Sinasabi naman ng iba na dapat iginugol na lamang sa ibang mahahalagang proyekto imbes na baklasin ang obra ni Zapanta lalo na’t marami pa rin ang nagugutom at baon sa kahirapan dulot ng COVID-19 pandemic. ANT