January 28, 2025

Munting Reyna Diamante 6 na Ginto Nakopo sa COPA Swimfest

DINOMINA  ni Nicola Queen Diamante ang anim sa pitong event na nilahukan para tanghaling ‘most bemedalled’ swimmer sa pagtatapos ng 1st Novice Swim Championship sa maulang Linggo  sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.

Nakopo ni Diamante, isang miyembro ng RSS Dolphines Swim Team,  ang girls 11-yrs old class A 25-meter free style sa oras na 14.30 segundo, butterfly (14.80), backstroke (16.30), breastroke (21.40), 50-meter freestyle (30.40), at 100-m Individual medley (1:29.40).

Hindi nakumpleto ni Diamante ang isang sweep sa grassroots development program  ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) na pinamumunuan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain at suportado ni Speedo nang masilat sa tunggalian laban kay Alex Pasia ng Sharknado Swimming Team sa ang 100-m freestyle (45.80) sa tyempong  1:09.10.

Noong nakaraang buwan sa Reunion swimfest ng COPA, tinanghal din si Diamante na top swimmers  tangan ang apat na gintong medalya sa Class A 100-m butterfly (1:21.30); 100-m backstroke (1:24.70); 100-m freestyle (1:11.00) at ang 200-m back (3:04.90).

“Masayang masaya po ako at nagpapasalamat sa COPA dahil tuloy-tuloy ang tournament nila sa mga kabataan tulad ko. Mas gagalingan ko pa po sa susunod. Medyo maginaw na kanina kaya hindi ko na masyadong nakahirit,” pahayag ni Diamante, patungkol sa malakas na hangin at bahagyang pag-ulan dala ng bagyong  ‘Karding.

Idineklara ng weather bureau ang signal No.3 sa Maynila bandang hapon ngunit masuwerte ang organizers na natapos ang event pagkatapos ng lunch  break.

“Inagad nga namin after we receive the info about the signal warning. Pasalamat naman kami at natapos ng maaga at napauwi natin ang lahat bago pa bumuhos ang ulan. Hindi na kami nag-awarding, abot na lang yung mga medals,” pahayag ni technical director head Richard Luna.

Sinabi ni COPA Board member Chito Rivera na inaasahan niya ang malaking partisipasyon ng public school student habang inihayag ang planong doblehin ang bilang ng mga kalahok sa susunod na tournament — ang Reunion 3rd leg swim challenge sa Oktubre 22-23. Naka-line up din ang Sprint meet sa pagpapakilala ng SKINS Swim event (Nov. 12-13); at Short Course Yuletide Swimming Championship (Dis. 10-11).

“Masayang –masaya yung mga estudyante natin mula sa public school. Yung isa ngang coach, pasalamat ng todo dahil ngayon lang daw sila nakalaro bukod sa mga division meet ng Deped para sa Palarong Pambansa.Sabi ko, sagot ng COPA ang participation fee ninyo kaya wag na kayong mag-alala, basta may event ang COPA kasali kayo,” said Rivera, also the head coach of the Jose Rizal University varsity squad. Ang iba pang mga nagwagi ay sina  Chloe Phoemela Constantino in the 14-yrs 25-m frestyle (class C, 15.70), Alexandra Pascua (class N, 18.10), 15-over 25m freestle, Mary Christine Llorente (class A, 13.95); Katreena Via Duque (class C, 14.50); Faith Real (class N, 17.20); 8-yrs 50-m free. Isebelle Ramirez (class A, 44.90); Eunice Jacinto (class N, 55.60); 9-yrs 50-m free, Alandria Delantar (class A, 36.20); Alexndra Cai (class C, 47.40); Rafaella Decano at Shane Salvador (class N, 49.50); 10-yrs 50-m free, Allianah Soriano (class A, 35.80), Ianne Zafra (class C, 45.50); Kate Lopez (class N. 48.70); 11-yrs 50-m free, Alex Pacia (class C, 42.30); Simone Llanto (class N, 45.05).