Hindi lingid sa ating kaalaman ang malaking pagbabago sa ating kalikasan at ang malawakang epekto nito na dulot ng climate change. Isa nga ang ating bayan, bilang “catch basin” ng tubig mula sa mataas na lungsod, ang madalas makaranas ng baha tuwing panahon ng tag-ulan.
Dahil dito, inilunsad ang Ynares Eco System (YES) to Green Program bilang tugon at paghahanda para sa mga hindi inaasahang sakuna.
Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pakikipag-ugnayan nito sa ating Lokal na Pamahalaan partikular na sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pangunguna ni Sir. Rodolfo de Leon Jr. isinagawa ang Municipal-Wide Bamboo Planting ngayong araw.
Nasa 500 bamboo seedlings ang sabay-sabay na itinanim sa tatlong-areas sa ating bayan. 100 sa Simona Sudv Brgy. San Isidro; 100 sa Purok 17 Lower Brgy. San Juan; at 300 naman sa Sitio Sala Brgy. San Juan.
Naging matagumpay ang programang ito pagtutulungan ng Provincial Government of Rizal sa pangunguna ni Gov. Nini Ynares at Vice. Gov. Jun Rey San Juan; BM Glen Gongora, Pamunuang Bayan ng Taytay BestTaytay Mayor Joric Gacula kasama si Vice Mayor Mitch Bermundo at ang 11th Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Councilor Gene Resurreccion; Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO, Tourism Office; BFP; PNP; Royal Cold Storage; CrownMix; at ang Sangguniang Barangay ng San Isidro at San Juan.
Nagpapasalamat ang ating bayan sa tagumpay ng programang ito na tiyak makatutulong sa Taytayeño. Tulong-tulong nawa tayo sa pagkalinga at pagtiyak sa kaligtasan ng ating kalikasan. (TAYTAY PIO)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA