January 13, 2025

Mula sa P13-B… Halaga ng nasabat na droga sa Batangas, P9-B – PNP

Nitong nakaraan, ipinagmalaki ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanilang achievement: pagkakasamsam sa P13.3 bilyon halaga ng shabu sa Batangas. Tinawag din itong historic milestone sa Philippine law enforcement ng Philippine National Police (PNP).

Pero nitong araw, naiba ang bilang ng halaga ng nasabat na droga.

Ayon sa pulisya, matapos ang kanilang imbentaryo kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA),  ang aktwal na timbang na nasabat noong April 15 ay 1,424.253 kilos at hindi 1.8 tonelada. Ibig-sabihin, ang estimated value nito ay 9.8 bilyon at hindi P13.3 bilyon, na unang iniulat.

Mabilis namang nagpaliwanag si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at nagsagawa ng press conference upang linawin ang lahat. Ayon kay Abalos, ang initial value ay ibinase lamang sa kanilang pagtatantiya.

Dahil ito’y napakarami, mahirap tantiyahin dito. So tinanong po namin, of course, kailangang i-assess mo ‘yan kung gaano karami. Puro estimate-estimate lang po ‘yan. Kung maririnig ‘nyo, paulit-ulit kong sinasabi, ‘Ito’y more or less, ito’y in-estimate ng PDEA, higit-kumulang…We just based it on experience of PDEA,” ayon kay Abalos.

Ganito rin ang naging paliwanag ni PNP Calabarzon chief Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas. Samantala, ipinaliwanag ni PDEA Deputy Director General Renato Gumban, kung papaano ang kanilang ginawang estamations.Mag-estimate lang naman, titingnan ang number of sacks, ilang average ang number of sacks. I-multiply mo lang naman ‘yon, tapos kunin mo ‘yong average per box na ‘yan. Usually mga one kilo, estimate average no’n. I-multiply mo siya sa street value ng meth, which is P6.8 million per kilo. ‘Yon ang lumabas na figures,” ani Gumban.