December 29, 2024

Mula Enero hanggang Setyembre 2021 ‘HALOS 500 TRAFFICKING, ILLEGAL RECRUITMENT VICTIMS NAILIGTAS’

PASAY – Nailigtas ng Bureau of Immigration ang 495 trafficking at illegal recruitment victims na nagtangkang lumipad papuntang ibang bansa sa unang 3 quarter ng taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni BI Commissioner Jaime Monrente na nasa kabuang 8,413 pasahero ang ipinagpaliban ang pag-alis sa parehong period, karamihan ay dahil sa pagiging improperly documented.

Sa nasabing bilang, 90 porsyento o 6,909 pasahero ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang ang nalalabing bilang ng pasahero ay napigilan sa mga paliparan sa Clark, Pampanga at Mactan, Cebu.

325 pasahero rito ang natagpuang potential victims ng trafficking at dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa isasagawang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa kanilang handlers at recruiters, habang 170 ang inendorso sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dahil sa discrepancy sa kanilang work documents.

“Despite the challenges brought about by the pandemic, there has been no letup in our drive against human trafficking,” ayon kay Morente.

Dagdag nito, “We have a mandate to perform in seeing to it that our kababayan are not victimized by these syndicates who take advantage of them.”

Hindi aniya titigil ang ahensya para mapakulong ang mga trafficker at illegal recruiter.