December 25, 2024

MT. PULAG NAGYELO

Pinaalalahanan ng Mt. Pulag National Park Management ang mga bisita at trekkers na aakyat sa Mount Pulag na magdala ng makapal na body warmers upang maiwasan ang hypothermia.
 
“It is too cold in Camp Site 2. Need to bring lip balm, thermos, kettle, and more tea bags, coffee or other soup packs as most trekkers are compelled to drink hot water more than usual due to the freezing weather,” ayon sa Park Management.
 
Ipinapayo rin ng tanggapan ang pagdadala ng all weather tent at blankets with heater. Inirerekomenda rin nila ang mga homestays na mainam tuluyan ngayong malamig ang panahon.

Ang mga hindi kaya ang ginaw ay pinapayuhan din na manatili na lamang sa mga homestays sa lugar.
 
Nitong Martes (Enero 24) ay naitala ang ‘andap’ o frost sa dwarf bamboo grassland ng Mount Pulag.
 
Sa mga larawang kuhang larawan ni Silva Pacliwan na ibinahagi ng Mt. Pulag National Park Management, makikita ang mga namuong yelo sa bahagi ng bundok.
 
Kadalasang nararamdaman ang malamig na panahon lalo na sa Hilagang Luzon tuwing Enero hanggang Pebrero dahil sa umiiral na Northeast monsoon o amihan. Ayon sa DOST PAGASA, inaasahang titindi pa ang lamig sa first hald of second half ng Pebrero.
 
Batay sa monitoring ng weather bureau, 11.2 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura na naitala sa La Trinidad, Benguet nitong Enero 24. Inaasahan naman na mas mababa pa ang temperatura sa iba pang bahagi ng Benguet partikular na sa Atok at sa Madaymen, Kibungan.